Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 28:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Lumusob din ang mga Filisteo+ sa mga lunsod ng Sepela+ at sa Negeb ng Juda at sinakop ang Bet-semes,+ Aijalon,+ Gederot, ang Soco at ang katabing mga nayon nito,* ang Timnah+ at ang katabing mga nayon nito, at ang Gimzo at ang katabing mga nayon nito; at tumira sila roon.

  • Isaias 9:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Ibabangon ni Jehova ang mga kaaway ni Rezin laban sa kaniya

      At pakikilusin ang mga kalaban niya,

      12 Ang Sirya mula sa silangan at ang mga Filisteo mula sa kanluran,*+

      Ibubuka nila ang kanilang bibig at lalamunin ang Israel.+

      Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,

      At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+

  • Isaias 14:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 29 “Huwag kang magsaya, O Filistia, sinuman sa iyo,

      Dahil lang sa nabali ang pamalo ng humahampas sa iyo.

      Dahil mula sa lahi* ng serpiyente+ ay may lalabas na makamandag na ahas,+

      At ang magiging supling nito ay isang lumilipad at malaapoy na ahas.*

  • Jeremias 47:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 47 Ito ang sinabi ni Jehova sa propetang si Jeremias tungkol sa mga Filisteo,+ bago pabagsakin ng Paraon ang Gaza.

  • Joel 3:4-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 At ano ang problema ninyo sa akin,

      O Tiro at Sidon at lahat ng rehiyon sa Filistia?

      May nagawa ba akong masama sa inyo at ginagantihan ninyo ako?

      Kung ginagantihan ninyo ako,

      Agad-agad ko kayong gagantihan ayon sa mga ginawa ninyo.+

       5 Dahil kinuha ninyo ang aking pilak at ginto,+

      At dinala ninyo sa inyong mga templo ang pinakamahahalaga kong kayamanan;

       6 At ibinenta ninyo sa mga Griego ang mga nasa Juda at Jerusalem,+

      Para ilayo sila sa teritoryo nila;

  • Amos 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Ito ang sinabi ni Jehova,

      ‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Gaza,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,

      Dahil binihag nila ang isang buong bayan+ at ibinigay sa Edom.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share