Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 4:31-35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Habang nagsasalita pa ang hari, isang tinig ang narinig mula sa langit: “Para sa iyo ang mensaheng ito, O Haring Nabucodonosor, ‘Ang kaharian ay aalisin sa iyo,+ 32 at itataboy ka ng mga tao. Maninirahan kang kasama ng mga hayop sa parang, at pananim ang kakainin mo gaya ng mga toro, at lilipas ang pitong panahon hanggang sa malaman mong ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao at na ibinibigay niya ang pamamahala kung kanino niya gusto.’”+

      33 Nang sandaling iyon, natupad ang sinabi tungkol kay Nabucodonosor. Itinaboy siya ng mga tao, at nagsimula siyang kumain ng pananim gaya ng mga toro, at ang katawan niya ay nabasâ ng hamog ng langit, at humaba ang buhok niya gaya ng balahibo ng agila at ang mga kuko niya gaya ng mga kuko ng ibon.+

      34 “Pagkatapos ng panahong iyon,+ akong si Nabucodonosor ay tumingala sa langit, at bumalik ako sa katinuan. At pinuri ko ang Kataas-taasan; pinuri ko at niluwalhati ang Isa na buháy magpakailanman, dahil ang pamamahala niya ay walang hanggan at ang kaniyang kaharian ay mananatili sa paglipas ng mga henerasyon.+ 35 Ang lahat ng naninirahan sa lupa ay walang kabuluhan kung ikukumpara sa kaniya, at ginagawa niya sa hukbo ng langit at sa mga naninirahan sa lupa ang ayon sa kalooban niya. At walang makapipigil sa kaniya*+ o makapagsasabi sa kaniya, ‘Ano ang ginawa mo?’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share