Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ezra 1:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1 Nang unang taon ni Haring Ciro+ ng Persia, para matupad ang salita ni Jehova na inihayag ni Jeremias,+ inudyukan ni Jehova si* Haring Ciro ng Persia na isulat at ipahayag sa buong kaharian niya ang proklamasyong ito:+

      2 “Ito ang sinabi ni Haring Ciro ng Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Jehova na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa lupa,+ at inatasan niya akong ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem,+ na nasa Juda.

  • Isaias 21:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Isang malagim na pangitain ang sinabi sa akin:

      Ang taksil ay gumagawa ng kataksilan,

      At ang tagawasak ay nangwawasak.

      Sugod, O Elam! Palibutan mo ang lunsod, O Media!+

      Wawakasan ko ang lahat ng pagbubuntonghininga na idinulot niya.+

  • Isaias 45:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 45 Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinili,* kay Ciro,+

      Na ang kanang kamay ay hinawakan ko+

      Para talunin ang mga bansa sa harap niya,+

      Para alisan ng lakas ang* mga hari,

      Para buksan sa harap niya ang dobleng pinto

      At hindi maisara ang mga pintuang-daan:

  • Jeremias 50:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Dahil laban sa Babilonya ay magbabangon ako

      Ng nagsama-samang dakilang mga bansa mula sa lupain ng hilaga.+

      Hahanay sila para makipagdigma sa kaniya;

      Mula roon ay bibihagin siya.

      Ang mga pana nila ay gaya ng mga pana ng mandirigma

      Na pumapatay ng mga anak;+

      Hindi bumabalik ang mga iyon nang walang resulta.

  • Daniel 6:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Kaya naging maganda ang kalagayan ni Daniel sa kaharian ni Dario+ at sa kaharian ni Ciro na Persiano.+

  • Daniel 9:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Nang unang taon ni Dario+ na anak ni Ahasuero—inapo ng mga Medo na ginawang hari sa kaharian ng mga Caldeo+—

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share