Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 21:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Tingnan ninyo ang paparating:

      Mga lalaking nakasakay sa karwaheng pandigma na hila ng isang pares ng kabayo!”+

      At sinabi niya:

      “Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonya!+

      Dinurog Niya sa lupa ang lahat ng inukit na imahen ng kaniyang mga diyos!”+

  • Jeremias 51:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  8 Biglang bumagsak ang Babilonya at nawasak.+

      Hagulgulan ninyo siya!+

      Kumuha kayo ng balsamo para sa kirot niya; baka sakaling gumaling siya.”

  • Jeremias 51:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Ang tagapagbalita ay tumatakbo para salubungin ang isa pang tagapagbalita,

      At ang mensahero para salubungin ang isa pang mensahero,

      Para ibalita sa hari ng Babilonya na ang lunsod niya ay nasakop na sa bawat panig,+

  • Jeremias 51:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 39 “Kapag nag-iinit ang damdamin nila, maghahanda ako ng piging para sa kanila at lalasingin ko sila,

      Para magsaya sila;+

      Pagkatapos, matutulog sila nang walang hanggan

      At hindi na magigising,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Jeremias 51:57
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 57 Lalasingin ko ang kaniyang matataas na opisyal at marurunong na tao,+

      Ang kaniyang mga gobernador at mga kinatawang opisyal at mga mandirigma,

      At matutulog sila nang walang hanggan

      At hindi na magigising,”+ ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share