-
Exodo 34:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Dumaan si Jehova sa harap niya at ipinahayag: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain+ at mapagmalasakit,*+ hindi madaling magalit+ at sagana sa tapat na pag-ibig*+ at katotohanan,*+ 7 nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa libo-libo,+ nagpapatawad sa pagkakamali at pagsuway at kasalanan,+ pero tinitiyak niyang mapaparusahan ang mga may kasalanan+ at pinaparusahan ang mga anak at mga apo dahil sa kasalanan ng mga ama, pati na ang ikatlo at ikaapat na henerasyon.”+
-
-
Nehemias 9:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Ayaw nilang makinig,+ at kinalimutan nila ang mga himala* na ginawa mo sa gitna nila; naging matigas ang ulo* nila at nag-atas sila ng mangunguna pabalik sa pagkaalipin sa Ehipto.+ Pero ikaw ay isang Diyos na handang magpatawad,* mapagmalasakit* at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,*+ at hindi mo sila iniwan.+
-