76 Pero ikaw, anak ko, tatawagin kang propeta ng Kataas-taasan, dahil mauuna ka kay Jehova para ihanda ang kaniyang mga daan,+77 para ipaalám sa kaniyang bayan na ililigtas niya sila sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanan nila,+
26 Kung hindi gayon, kailangan niyang magdusa nang madalas mula nang itatag ang sanlibutan. Pero ngayon ay naihayag na niya ang sarili niya nang minsanan sa katapusan ng mga sistemang ito* para alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili niya.+