-
Mateo 24:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 dahil sa panahong iyon ay magkakaroon ng malaking kapighatian+ na hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng mundo* hanggang sa ngayon at hindi na mangyayari pang muli.+ 22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas; pero dahil sa mga pinili ay paiikliin ang mga araw na iyon.+
-
-
Apocalipsis 7:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Pagkatapos, sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Ang mga ito na nakasuot ng mahabang damit na puti,+ sino sila at saan sila nanggaling?” 14 Kaya agad kong sinabi sa kaniya: “Panginoon ko, ikaw ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin: “Sila ang mga lumabas mula sa malaking kapighatian,+ at nilabhan nila ang kanilang mahabang damit at pinaputi iyon sa dugo ng Kordero.+
-