Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 12:28-30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Matapos humingi ng payo, gumawa ang hari ng dalawang gintong guya*+ at sinabi sa bayan: “Masyado kayong mahihirapan kung pupunta pa kayo sa Jerusalem. Heto ang Diyos mo, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”+ 29 Pagkatapos, inilagay niya ang isa sa Bethel,+ at ang isa pa, sa Dan.+ 30 Nagkasala sila dahil dito,+ at nagpupunta pa ang bayan sa Dan para sambahin ang guya na naroon.

  • Amos 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Ang matataas na lugar ni Isaac+ ay magiging tiwangwang, at ang mga santuwaryo ng Israel ay mawawasak;+ at sasalakayin ko ang sambahayan ni Jeroboam sa pamamagitan ng espada.”+

  • Mikas 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  5 Nangyari ang lahat ng ito dahil sa paghihimagsik ng Jacob,

      Dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel.+

      Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Jacob?

      Hindi ba’t ang Samaria?+

      At sino ang dapat sisihin sa matataas na lugar ng Juda?+

      Hindi ba’t ang Jerusalem?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share