Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 6:10-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “Kapag dinala kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob+—malalaki at magagandang lunsod na hindi kayo ang nagtayo,+ 11 mga bahay na punô ng iba’t ibang magagandang bagay na hindi ninyo pinagpaguran, mga imbakan ng tubig na hindi kayo ang naghukay, mga ubasan at mga punong olibo na hindi kayo ang nagtanim—at nakakain na kayo at nabusog,+ 12 bantayan ninyo ang sarili ninyo dahil baka makalimutan ninyo si Jehova,+ na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging mga alipin.*

  • Deuteronomio 8:12-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Kapag kumain na kayo at nabusog at nakapagtayo ng magagandang bahay at nakatira na sa mga iyon,+ 13 kapag lumaki ang bakahan at kawan ninyo at dumami ang pilak at ginto ninyo at sagana na kayo sa lahat ng bagay, 14 huwag ninyong hayaang magmataas ang puso ninyo+ at malimutan ninyo ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging alipin,*+

  • Deuteronomio 32:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Nang tumaba si Jesurun,* sinipa niya ang may-ari sa kaniya.

      Ikaw ay tumaba, lumapad, at nabundat.+

      Kaya iniwan niya ang Diyos, na lumikha sa kaniya,+

      At hinamak ang Bato ng kaniyang kaligtasan.

  • Deuteronomio 32:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Kinalimutan mo ang Bato,+ na siyang ama mo,

      At hindi mo inalaala ang Diyos na nagsilang sa iyo.+

  • Isaias 17:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Dahil nilimot mo ang Diyos+ na iyong tagapagligtas;

      Hindi mo inalaala ang Bato,+ ang iyong tanggulan.

      Kaya gumawa ka ng magagandang taniman,

      At tinamnan mo ito ng supang* mula sa isang estranghero.*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share