Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 17:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Maging ang Juda ay hindi tumupad sa mga utos ni Jehova na kanilang Diyos;+ sinunod din nila ang mga kaugaliang sinunod ng Israel.+ 20 Itinakwil ni Jehova ang buong Israel* at hiniya sila at ibinigay sa kamay ng mga mandarambong, hanggang sa maitaboy niya sila mula sa harap niya.

  • Ezekiel 23:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 Gagawin sa iyo ang mga ito dahil hinabol mo ang mga bansa na gaya ng babaeng bayaran,+ dahil dinungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kanilang karima-rimarim na mga idolo.+ 31 Tinahak mo ang landas ng kapatid mo,+ at ibibigay ko sa iyo ang kopa niya.’+

  • Amos 2:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 Ito ang sinabi ni Jehova,

      ‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Juda,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,

      Dahil tinanggihan nila ang kautusan* ni Jehova,

      At dahil hindi nila sinunod ang mga tuntunin niya.+

      Ang mismong kasinungalingang sinunod ng kanilang mga ninuno ang nagligaw sa kanila.+

       5 Kaya magpapadala ako ng apoy sa Juda,

      At tutupukin nito ang matitibay na tore ng Jerusalem.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share