Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 24:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 At ang Edom ay magiging pag-aari niya,+

      Oo, ang Seir+ ay magiging pag-aari ng mga kaaway nito,+

      Samantalang ang Israel ay nagpapakita ng lakas ng loob.

  • Isaias 11:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 At lulusob sila sa mga dalisdis* ng mga Filisteo sa kanluran;

      Magkasama nilang sasamsaman ang mga taga-Silangan.

      Iuunat nila ang kanilang kamay laban sa* Edom+ at Moab,+

      At magiging sakop nila ang mga Ammonita.+

  • Obadias 18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Ang sambahayan ni Jacob ay magiging apoy,

      Ang sambahayan ni Jose ay magiging liyab,

      Ang sambahayan ni Esau ay magiging gaya ng dayami;

      Sisilaban nila ito at tutupukin,

      At walang matitirang buháy sa sambahayan ni Esau,+

      Dahil si Jehova mismo ang nagsabi.

      19 Makukuha nila ang Negeb at ang mabundok na rehiyon ng Esau,+

      Ang Sepela at ang lupain ng mga Filisteo.+

      Makukuha nila ang lupain ng Efraim at ang lupain ng Samaria,+

      At makukuha ng Benjamin ang Gilead.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share