Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 21:23-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Pero hindi pumayag si Sihon na dumaan ang Israel sa teritoryo niya. Sa halip, tinipon ni Sihon ang kaniyang buong bayan at pumunta sa ilang para labanan ang Israel, at nakarating sila sa Jahaz at nakipaglaban sa Israel.+ 24 Pero natalo siya ng Israel gamit ang espada+ at kinuha ang kaniyang lupain+ mula sa Arnon+ hanggang sa Jabok,+ malapit sa mga Ammonita, dahil paglampas ng Jazer+ ay teritoryo na ng mga Ammonita.+

      25 Kaya kinuha ng Israel ang lahat ng lunsod na ito, at tumira sila sa lahat ng lunsod ng mga Amorita,+ sa Hesbon at sa lahat ng katabing nayon nito.*

  • Josue 24:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 “‘At dinala ko kayo sa lupain ng mga Amorita na nakatira sa kabilang ibayo* ng Jordan, at nakipaglaban sila sa inyo.+ Pero ibinigay ko sila sa inyong kamay para masakop ninyo ang lupain nila, at nilipol ko sila sa harap ninyo.+

  • Awit 135:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Nagpabagsak siya ng maraming bansa+

      At pumatay ng makapangyarihang mga hari+

      11 —Si Sihon na hari ng mga Amorita,+

      Si Og na hari ng Basan,+

      At ang lahat ng kaharian sa Canaan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share