-
2 Hari 8:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Nagtanong si Hazael: “Bakit umiiyak ang panginoon ko?” Sumagot siya: “Dahil alam ko ang kasamaang gagawin mo sa Israel.+ Susunugin mo ang mga tanggulan nila, papatayin mo sa pamamagitan ng espada ang piling mga lalaki nila, pagluluray-lurayin mo ang mga anak nila, at lalaslasin mo ang tiyan ng mga nagdadalang-tao sa kanila.”+
-
-
2 Hari 10:32, 33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 Nang panahong iyon, hinayaan ni Jehova na unti-unting lumiit ang sakop ng Israel. Patuloy na sinalakay ni Hazael ang mga teritoryo ng Israel,+ 33 mula sa Jordan pasilangan, ang buong lupain ng Gilead—ng mga Gadita, ng mga Rubenita, at ng mga Manasita+—mula sa Aroer, na malapit sa Lambak* ng Arnon, hanggang sa Gilead at Basan.+
-