-
2 Hari 23:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Winasak din niya ang altar na nasa Bethel, ang mataas na lugar na ginawa ni Jeroboam na anak ni Nebat na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.+ Matapos wasakin ang altar na iyon at ang mataas na lugar, sinunog niya ang mataas na lugar, pinulbos ang lahat ng naroon, at sinunog ang sagradong poste.*+
16 Nang makita ni Josias ang mga libingan sa bundok, ipinakuha niya ang mga buto sa mga libingan at sinunog ang mga iyon sa altar para gawin itong di-karapat-dapat sa pagsamba, ayon sa salita ni Jehova na inihayag ng lingkod ng tunay na Diyos na humulang mangyayari ang mga bagay na ito.+
-
-
2 Cronica 31:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
31 Nang matapos nila ang lahat ng ito, ang lahat ng Israelitang naroon ay nagpunta sa mga lunsod ng Juda, at pinagdurog-durog nila ang mga sagradong haligi,+ pinutol ang mga sagradong poste,*+ at giniba ang matataas na lugar+ at ang mga altar+ sa buong Juda at Benjamin, pati sa Efraim at Manases,+ hanggang sa mawasak nila ang lahat ng ito. At bumalik ang lahat ng Israelita sa kanilang mga lunsod, sa kani-kanilang pag-aari.
-
-
Oseas 10:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Mapagpanggap ang puso nila;
Ngayon ay mapatutunayan silang may-sala.
May sisira sa mga altar nila at wawasak sa mga haligi nila.
-