Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 27:41, 42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 41 Pero si Esau ay nagkimkim ng matinding galit kay Jacob dahil sa pagpapalang ibinigay rito ng kaniyang ama,+ at sinasabi ni Esau sa sarili* niya: “Malapit na ang mga araw ng pagdadalamhati para sa aking ama.+ Pagkatapos nito, papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.” 42 Nang ibalita kay Rebeka ang sinabi ng nakatatanda niyang anak na si Esau, ipinatawag niya agad ang nakababata niyang anak na si Jacob at sinabi rito: “Nagpaplanong maghiganti ang kapatid mong si Esau, at gusto ka niyang patayin.*

  • Bilang 20:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Pero sinabi pa rin niya: “Hindi ka puwedeng dumaan.”+ At lumabas ang Edom para harapin siya kasama ang maraming tao at isang malakas na hukbo.* 21 Sa gayon, hindi pumayag ang Edom na dumaan ang Israel sa teritoryo niya; kaya lumayo ang Israel sa kaniya.+

  • Awit 83:4-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 Sinasabi nila: “Halikayo, lipulin natin ang bansa nila,+

      Para hindi na maalaala pa ang pangalan ng Israel.”

       5 Bumubuo sila ng isang pakana;*

      Nagsabuwatan sila* laban sa iyo+—

       6 Ang mga Edomita at ang mga Ismaelita,* ang Moab+ at ang mga Hagrita,+

  • Awit 137:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Alalahanin mo, O Jehova,

      Ang sinabi ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem:

      “Gibain iyon! Gibain pati ang mga pundasyon!”+

  • Joel 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Pero ang Ehipto ay magiging tiwangwang,+

      At ang Edom ay magiging tiwangwang na ilang,+

      Dahil sa karahasang ginawa sa bayan ng Juda,+

      Kung saan sila nagpadanak ng dugong walang-sala.+

  • Amos 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Ito ang sinabi ni Jehova,

      ‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Edom,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,

      Dahil hinabol niya ng espada ang sarili niyang kapatid,+

      At dahil hindi siya naawa;

      Sa galit niya ay patuloy niya silang nilalapa,

      At napopoot pa rin siya sa kanila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share