-
1 Hari 22:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Kaya tinipon ng hari ng Israel ang mga propeta, mga 400 lalaki, at sinabi niya sa kanila: “Makikipaglaban ba ako sa Ramot-gilead o hindi?” Sinabi nila: “Makipaglaban ka, at ibibigay iyon ni Jehova sa kamay ng hari.”
-
-
1 Hari 22:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehosapat: “May isa pa na puwede nating lapitan para makasangguni tayo kay Jehova;+ pero galit ako sa kaniya,+ dahil hindi siya humuhula ng mabubuting bagay tungkol sa akin, kundi laging masasama.+ Siya si Micaias na anak ni Imla.” Pero sinabi ni Jehosapat: “Hindi dapat magsalita ng ganiyan ang hari.”
-
-
Jeremias 6:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+
Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+
14 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing
‘May kapayapaan! May kapayapaan!’
Kahit wala namang kapayapaan.+
-
-
Ezekiel 13:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 “Anak ng tao, humula ka laban sa mga propeta ng Israel,+ at sabihin mo sa gumagawa ng sarili nilang mga hula,*+ ‘Pakinggan ninyo ang mensahe ni Jehova. 3 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kaawa-awang mangmang na mga propeta, na sumusunod sa sarili nilang kaisipan,* dahil wala naman silang nakikita!+
-