-
Ezekiel 22:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Ang mga propeta sa loob niya ay nagsasabuwatan,+ gaya ng leong umuungal at nanlalapa ng biktima.+ Lumalamon sila ng tao. Nang-aagaw sila ng kayamanan at mahahalagang bagay. Marami silang ginawang biyuda sa loob niya. 26 Ang mga saserdote niya ay lumalabag sa aking kautusan,+ at patuloy nilang nilalapastangan ang aking mga banal na lugar.+ Walang pagkakaiba sa kanila ang banal at karaniwan,+ at hindi nila ipinaaalam kung ano ang marumi at malinis,+ at ayaw nilang sundin ang batas ko sa mga sabbath, at nalalapastangan ako sa gitna nila.
-