Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 30:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “At ikaw, Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,” ang sabi ni Jehova,

      “At huwag kang mangilabot, O Israel.+

      Dahil ililigtas kita mula sa malayo

      At ang mga supling mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+

      Babalik ang Jacob at magiging panatag at tiwasay,

      At walang sinumang tatakot sa kanila.”+

  • Ezekiel 34:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Hindi na sila magiging biktima ng mga bansa, at hindi sila lalapain ng mababangis na hayop sa lupa, at maninirahan sila nang panatag at walang sinumang tatakot sa kanila.+

  • Ezekiel 39:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ibabalik ko sa lupain nila ang mga nabihag sa Jacob,+ at kaaawaan ko ang buong sambahayan ng Israel;+ at gagawin ko ang buong makakaya ko para ipagtanggol ang* aking banal na pangalan.+ 26 Matapos silang mapahiya dahil hindi sila naging tapat sa akin,+ maninirahan sila nang panatag sa kanilang lupain, at walang sinumang tatakot sa kanila.+

  • Oseas 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Sa araw na iyon, makikipagtipan ako sa mababangis na hayop sa parang alang-alang sa bayan ko,+

      Pati sa mga ibon sa langit at gumagapang na nilikha sa lupa;+

      Aalisin ko sa lupain ang pana at espada at digmaan,+

      At maninirahan* sila nang panatag.+

  • Mikas 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 Uupo* ang bawat isa sa kanila sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos,+

      At walang sinumang tatakot sa kanila,+

      Dahil si Jehova ng mga hukbo ang nagsabi nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share