-
Isaias 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Siya ay hahatol sa mga bansa
At magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa maraming bayan.
Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*
At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+
Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,
At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+
-
-
Isaias 60:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Sa halip na tanso ay magdadala ako ng ginto,
At sa halip na bakal ay magdadala ako ng pilak,
Sa halip na kahoy, tanso,
At sa halip na bato, bakal;
At aatasan ko ang kapayapaan bilang tagapangasiwa mo
At ang katuwiran bilang tagapagbigay-atas mo.+
18 Hindi na maririnig ang karahasan sa lupain mo
O ang pagkawasak at kagibaan sa loob ng mga hangganan mo.+
At tatawagin mong Kaligtasan ang mga pader mo+ at Papuri ang mga pintuang-daan mo.
-