Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Sa huling bahagi ng mga araw,*

      Ang bundok ng bahay ni Jehova

      Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+

      At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,

      At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+

  • Isaias 11:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Hindi sila mananakit+

      O maninira sa aking buong banal na bundok,+

      Dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova

      Gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+

  • Isaias 66:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Dadalhin nila ang lahat ng kapatid ninyo mula sa lahat ng bansa+ bilang kaloob kay Jehova, sakay ng mga kabayo, mga karwahe, may-takip na mga karwahe, mga mula,* at ng matutuling kamelyo, papunta sa aking banal na bundok, ang Jerusalem,” ang sabi ni Jehova, “gaya ng pagdadala ng bayang Israel sa bahay ni Jehova ng kanilang mga kaloob na nasa isang malinis na sisidlan.”

  • Jeremias 31:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Muli nilang sasabihin ang mga salitang ito sa lupain ng Juda at sa mga lunsod nito kapag tinipon ko ang mga nabihag sa kanila: ‘Pagpalain ka nawa ni Jehova, O matuwid na tirahan,+ O banal na bundok.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share