Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 33:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Tingnan mo ang Sion, ang lunsod ng ating mga kapistahan!+

      Makikita mo ang Jerusalem na isang tahimik na tirahan,

      Isang toldang hindi maaalis sa kinatatayuan nito.+

      Hindi kailanman mabubunot ang mga tulos nito,

      At walang isa man sa mga lubid nito ang mapuputol.

  • Jeremias 31:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 At doon ay titirang magkakasama ang Juda at ang lahat ng lunsod nito, ang mga magsasaka at ang mga umaakay sa kawan.+

  • Jeremias 33:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Sa lugar na ito na sasabihin ninyong tiwangwang, na walang tao o alagang hayop, sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem na tiwangwang at walang tao o naninirahan o alagang hayop, ay muling maririnig 11 ang ingay ng kagalakan at ng pagsasaya,+ ang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaeng ikakasal, ang tinig ng mga nagsasabi: “Magpasalamat kayo kay Jehova ng mga hukbo, dahil si Jehova ay mabuti;+ ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan!”’+

      “‘Magdadala sila ng handog ng pasasalamat sa bahay ni Jehova,+ dahil ibabalik ko ang mga nabihag sa lupain, gaya noong una,’ ang sabi ni Jehova.”

  • Zacarias 8:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Ang matatandang lalaki at babae ay muling uupo sa mga liwasan* ng Jerusalem, na ang bawat isa ay may hawak na baston dahil sa katandaan.*+ 5 At ang mga liwasan ng lunsod ay mapupuno ng mga batang lalaki at batang babae na naglalaro.’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share