-
Lucas 4:5-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Kaya dinala niya siya sa mataas na lugar, at saglit niyang ipinakita sa kaniya ang lahat ng kaharian sa mundo.+ 6 Pagkatapos, sinabi ng Diyablo: “Ibibigay ko sa iyo ang awtoridad sa lahat ng ito at ang kaluwalhatian ng mga ito, dahil akin ang lahat ng kahariang ito+ at ibibigay ko ito kanino ko man gustuhin.+ 7 Kaya kung sasambahin mo ako nang kahit isang beses, magiging sa iyo ang lahat ng ito.” 8 Sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’”*+
-