-
Mateo 6:12-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 at patawarin mo kami sa mga kasalanan namin, kung paanong pinatatawad namin ang mga nagkakasala sa amin.+ 13 At huwag mo kaming hayaang mahulog sa tukso,+ kundi iligtas mo kami mula sa isa na masama.’*+
14 “Dahil kung pinatatawad ninyo ang mga pagkakamali ng iba, patatawarin din kayo ng inyong Ama sa langit;+ 15 pero kung hindi ninyo pinatatawad ang mga pagkakamali ng iba, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang mga pagkakamali ninyo.+
-