-
1 Samuel 16:11-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Bandang huli, sinabi ni Samuel kay Jesse: “Ito na ba ang lahat ng anak mong lalaki?” Sumagot ito: “Wala pa ang bunso;+ nagpapastol siya ng mga tupa.”+ Kaya sinabi ni Samuel kay Jesse: “Ipasundo mo siya, dahil hindi tayo uupo para kumain hangga’t hindi siya dumarating dito.” 12 Kaya ipinasundo niya siya at iniharap kay Samuel. Siya ay may mamula-mulang kutis, may magagandang mata, at guwapo.+ Pagkatapos, sinabi ni Jehova: “Tumayo ka, pahiran mo siya ng langis, dahil siya ang pinili ko!”+ 13 Kaya kinuha ni Samuel ang sungay ng langis+ at pinahiran si David sa harap ng mga kapatid niya. At ang espiritu ni Jehova ay sumakaniya* mula nang araw na iyon.+ Nang maglaon, pumunta si Samuel sa Rama.+
-