-
Lucas 6:47-49Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
47 Ang bawat isa na lumalapit sa akin at nakikinig sa mga sinasabi ko at sumusunod sa mga iyon, ipapakita ko sa inyo kung sino ang tulad niya:+ 48 Katulad siya ng isang tao na nang magtayo ng bahay ay humukay nang malalim at naglagay ng pundasyon sa bato. Kaya nang dumating ang baha at rumagasa ang tubig sa bahay na iyon, hindi man lang iyon nauga dahil matibay ang pagkakatayo nito.+ 49 Sa kabilang dako, siya na nakikinig sa mga sinasabi ko pero hindi sumusunod sa mga iyon+ ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay nang walang pundasyon. Nang rumagasa ang tubig, agad itong gumuho at nawasak.”
-