-
Lucas 7:24-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Nang makaalis na ang mga mensahero ni Juan, sinabi ni Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang nakita ninyo sa ilang? Isang taong gaya ng tambo na hinahampas-hampas ng hangin? Hindi.+ 25 Kung gayon, ano ang nakita ninyo? Isang taong may malambot na damit?* Hindi.+ Ang mga nagsusuot ng magagandang damit at namumuhay nang marangya ay nasa palasyo ng mga hari. 26 Kung gayon, sino talaga siya? Isang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo, hindi lang siya basta propeta.+ 27 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan.’+ 28 Sinasabi ko sa inyo, sa lahat ng taong nabuhay, walang mas dakila kaysa kay Juan, pero ang pinakamababa sa Kaharian ng Diyos ay mas dakila kaysa sa kaniya.”+
-