-
Marcos 3:22-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Sinasabi rin ng mga eskriba na galing sa Jerusalem: “Sinasapian siya ni Beelzebub, at pinalalayas niya ang mga demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo.”+ 23 Kaya tinawag niya sila at nagbigay siya sa kanila ng mga ilustrasyon: “Paano mapalalayas ni Satanas si Satanas? 24 Kung ang isang kaharian ay nababahagi, babagsak ang kahariang iyon;+ 25 at kung ang isang pamilya ay nababahagi, mawawasak ang pamilyang iyon. 26 Kaya kung kinakalaban ni Satanas ang sarili niya at ang kaharian niya ay nababahagi,* babagsak siya at iyon na ang wakas niya. 27 Ang totoo, walang makakapasok sa bahay ng isang malakas na tao at makapagnanakaw ng mga pag-aari nito kung hindi niya muna gagapusin ang malakas na tao. Kapag nagawa niya iyon, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito.
-
-
Lucas 11:15-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Pero sinabi ng ilan sa kanila: “Nagpapalayas siya ng demonyo sa tulong ni Beelzebub, ang pinuno ng mga demonyo.”+ 16 May mga nanghingi rin sa kaniya ng tanda+ mula sa langit para subukin siya. 17 Alam ni Jesus ang iniisip nila,+ kaya sinabi niya sa kanila: “Bawat kaharian na nababahagi ay babagsak, at ang isang pamilyang nababahagi ay mawawasak. 18 Ngayon, kung kinakalaban ni Satanas ang sarili niya, paano tatayo ang kaharian niya? Dahil sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng demonyo sa tulong ni Beelzebub. 19 Kung nagpapalayas ako ng demonyo sa tulong ni Beelzebub, sino ang tumutulong sa mga tagasunod ninyo para mapalayas sila? Kaya ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na mali kayo.* 20 Pero kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa tulong ng daliri ng Diyos,+ dumating na ang Kaharian ng Diyos nang hindi ninyo namamalayan.+ 21 Kung malakas at maraming sandata ang taong nagbabantay sa sarili niyang palasyo, ligtas ang mga pag-aari niya. 22 Pero kapag sinalakay siya at natalo ng isa na mas malakas sa kaniya, kukunin nito ang lahat ng kaniyang sandata na iniisip niyang magsasanggalang sa mga pag-aari niya, at ipamamahagi nito ang mga bagay na kinuha sa kaniya. 23 Sinumang wala sa panig ko ay laban sa akin, at sinumang hindi nakikipagtulungan sa akin sa pagtitipon ay nagtataboy ng mga tao palayo sa akin.+
-