-
Marcos 3:31-35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
31 Ngayon ay dumating ang kaniyang ina at mga kapatid,+ at habang nakatayo sila sa labas, may pinapunta sila sa loob para tawagin siya.+ 32 Dahil maraming nakaupo sa palibot niya, sinabi nila sa kaniya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka.”+ 33 Pero sinabi niya sa kanila: “Sino ang aking ina at mga kapatid?”+ 34 Pagkatapos, tiningnan niya ang mga nakaupong paikot sa kaniya at sinabi: “Tingnan ninyo, ang aking ina at mga kapatid!+ 35 Sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”+
-
-
Lucas 8:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 At pinuntahan siya ng ina at mga kapatid niya,+ pero hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao.+ 20 Kaya may nagsabi sa kaniya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid at gusto kang makita.” 21 Sinabi niya sa kanila: “Ito ang aking ina at mga kapatid, ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito.”+
-