-
Marcos 4:26-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 Pagkatapos, sinabi pa niya: “Ang Kaharian ng Diyos ay gaya ng isang tao na naghahasik ng binhi sa lupa. 27 Natutulog siya sa gabi at bumabangon sa araw, at ang binhi ay tumutubo at tumataas—kung paano ay hindi niya alam. 28 Ang lupa ay kusang nagsisibol ng bunga nang unti-unti—una ay ang tangkay, sumunod ay ang uhay, at sa huli ay ang hinog na mga butil sa uhay. 29 Kapag puwede nang anihin ang mga butil, gagapasin niya ang mga ito, dahil panahon na ng pag-aani.”
30 At sinabi pa niya: “Saan natin maikukumpara ang Kaharian ng Diyos, o anong ilustrasyon ang gagamitin natin para ipaliwanag ito?
-