Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 16:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Dahil hindi mo ako* iiwan sa Libingan.*+

      Ang tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mapunta sa hukay.*+

  • Isaias 53:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Dahil diyan, bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,

      At ibabahagi niya ang samsam sa mga makapangyarihan,

      Dahil ibinuhos niya ang sarili niya hanggang sa kamatayan+

      At itinuring na isa sa mga makasalanan;+

      Dinala niya ang kasalanan ng maraming tao,+

      At namagitan siya para sa mga makasalanan.+

  • Mateo 17:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Habang magkakasama sila sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang Anak ng tao ay ibibigay sa kamay ng mga kaaway,+ 23 at papatayin nila siya, at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+ Kaya nalungkot sila nang husto.

  • Mateo 20:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+ 19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+

  • Marcos 8:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Sinabi rin niya sa kanila na ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at patayin,+ at mabuhay-muli pagkalipas ng tatlong araw.+

  • Lucas 9:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 at sinabi niya: “Ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at patayin,+ at sa ikatlong araw ay buhaying muli.”+

  • Lucas 17:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 Pero dapat muna siyang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng henerasyong ito.+

  • Lucas 24:6-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Wala siya rito dahil binuhay na siyang muli. Alalahanin ninyo nang makipag-usap siya sa inyo noong nasa Galilea pa siya. 7 Sinabi niyang ang Anak ng tao ay kailangang maibigay sa kamay ng mga makasalanan at ibayubay sa tulos at buhaying muli sa ikatlong araw.”+ 8 Kaya naalaala nila ang mga sinabi niya,+

  • Lucas 24:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 at sinabi niya, “Ito ang nakasulat: Ang Kristo ay magdurusa at mabubuhay-muli sa ikatlong araw,+

  • 1 Corinto 15:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Ang bagay na ito ay kasama sa pinakamahahalagang itinuro ko sa inyo, na natutuhan ko rin: si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan;+ 4 at inilibing siya,+ oo, binuhay siyang muli+ nang ikatlong araw+ ayon sa Kasulatan;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share