Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malakias 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 At sinasabi ninyo, ‘Bakit?’ Si Jehova ay saksi laban sa iyo, dahil pinagtaksilan mo ang asawang pinakasalan mo noong kabataan ka pa, kahit na kapareha mo siya at legal na asawa.*+

  • Mateo 5:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Pero sinasabi ko sa inyo na kapag diniborsiyo ng isa ang kaniyang asawang babae, malibang dahil sa seksuwal na imoralidad, inilalagay niya ito sa panganib na mangalunya, at sinumang mag-asawa ng babaeng diniborsiyo ay nangangalunya.+

  • Marcos 10:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Sinabi niya sa kanila: “Ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay nangangalunya+ at nagkakasala sa kaniyang asawa, 12 at kung ang isang babae ay mag-asawa ng iba pagkatapos makipagdiborsiyo sa asawa niya, nangangalunya siya.”+

  • Lucas 16:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 “Ang sinumang nakikipagdiborsiyo sa kaniyang asawang babae at nag-aasawa ng iba ay nangangalunya, at ang sinumang nag-aasawa ng babaeng diniborsiyo ng asawa nito ay nangangalunya.+

  • Roma 7:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Kaya kung mag-asawa siya ng ibang lalaki habang buháy pa ang asawa niya, siya ay nangangalunya.+ Pero kung mamatay ang asawa niya, magiging malaya na siya mula sa kautusan nito, kaya hindi siya nangangalunya kapag nag-asawa siya ng ibang lalaki.+

  • 1 Corinto 7:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Sa mga may asawa, nagbibigay ako ng mga tagubilin, hindi galing sa akin kundi sa Panginoon, na huwag makipaghiwalay ang asawang babae sa asawa niya.+

  • Hebreo 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Maging marangal nawa para sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang madungisan ang higaang pangmag-asawa,+ dahil hahatulan ng Diyos ang mga nagkakasala ng seksuwal na imoralidad* at ang mga nangangalunya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share