Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 11:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania+ sa Bundok ng mga Olibo, isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 2 at sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating doon, may makikita kayong isang bisiro na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 At kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon; ibabalik din ito kaagad.’”

  • Lucas 19:28-31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Pagkasabi nito, nagpatuloy siya sa paglalakbay papuntang* Jerusalem. 29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo,+ isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 30 at sinabi: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating ninyo roon, may makikita kayong isang bisiro na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Pero kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share