-
Apocalipsis 6:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Nang buksan niya ang ikatlong tatak,+ narinig kong sinabi ng ikatlong buháy na nilalang:+ “Halika!” At nakita ko ang isang itim na kabayo, at ang nakaupo rito ay may hawak na isang pares ng timbangan. 6 Narinig ko ang isang tinig na parang nasa gitna ng apat na buháy na nilalang, at sinabi nito: “Isang quarto* ng trigo para sa isang denario*+ at tatlong quarto ng sebada para sa isang denario; at huwag mong hayaang maubos ang langis ng olibo at ang alak.”+
-
-
Apocalipsis 6:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 At nakita ko ang isang kabayong maputla, at ang nakaupo roon ay may pangalang Kamatayan. At ang Libingan* ay kasunod niya. At binigyan sila ng awtoridad sa ikaapat na bahagi ng lupa, para pumatay sa pamamagitan ng mahabang espada at ng kakapusan sa pagkain+ at ng nakamamatay na salot at ng mababangis na hayop sa lupa.+
-