Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 27:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 “Mag-atas nawa si Jehova, ang Diyos na nagbibigay ng buhay* sa lahat ng tao, ng isang lalaki para sa bayan 17 na mangunguna sa kanila sa lahat ng bagay at susundin nila sa lahat ng bagay, para hindi maging tulad ng mga tupang walang pastol ang bayan ni Jehova.”

  • 1 Hari 22:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Kaya sinabi niya: “Nakikita ko ang lahat ng Israelita na nagkalat sa mga bundok,+ tulad ng mga tupang walang pastol. Sinabi ni Jehova: ‘Wala silang panginoon. Pabalikin sila nang payapa sa kani-kanilang bahay.’”

  • Isaias 53:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Gaya ng mga tupa, lahat kami ay naliligaw,+

      Nagkaniya-kaniya kami ng daan,

      At ipinasan sa kaniya ni Jehova ang mga kasalanan naming lahat.+

  • Ezekiel 34:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Kaya nangalat sila dahil walang pastol;+ nangalat sila at naging pagkain ng bawat mabangis na hayop sa parang.

  • Ezekiel 34:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 ‘“Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, “dahil ang aking mga tupa ay naging mga biktima, pagkain ng bawat mabangis na hayop sa parang dahil walang pastol, at hindi hinanap ng mga pastol ko ang aking mga tupa, kundi patuloy nilang pinakain ang sarili nila at hindi pinakain ang aking mga tupa,”’

  • Mateo 9:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 36 Pagkakita sa napakaraming tao, naawa siya sa kanila+ dahil sila ay sugatán at napabayaan tulad ng mga tupang walang pastol.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share