Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 15:32-38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Pero tinawag ni Jesus ang mga alagad niya at sinabi: “Naaawa ako sa mga tao.+ Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayokong pauwiin sila nang gutom* dahil baka manghina sila sa daan.”+ 33 Pero sinabi sa kaniya ng mga alagad: “Saan sa liblib na lugar na ito tayo kukuha ng sapat na tinapay para mapakain ang ganito karaming tao?”+ 34 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan ang tinapay ninyo?” Sumagot sila: “Pito, at ilang maliliit na isda.” 35 Kaya pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, 36 at kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda. Pagkatapos magpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad; ibinigay naman ito ng mga alagad sa mga tao.+ 37 At kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, pitong malalaking basket ang napuno nila.+ 38 Ang kumain ay 4,000 lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share