-
Mateo 17:14-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Pagdating nila sa kinaroroonan ng mga tao,+ isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Lumuhod ito at nagsabi: 15 “Panginoon, maawa ka sa anak ko. May epilepsi siya at malala ang lagay niya. Madalas siyang mabuwal sa apoy at sa tubig.+ 16 Dinala ko siya sa mga alagad mo, pero hindi nila siya mapagaling.” 17 Sinabi ni Jesus: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan,*+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya dito sa akin.”
-
-
Lucas 9:38-42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
38 At isang lalaki mula sa karamihan ang sumigaw: “Guro, nakikiusap ako sa iyo, tingnan mo ang anak kong lalaki, dahil nag-iisang anak ko siya.+ 39 Isang espiritu ang sumasapi sa kaniya, at bigla siyang sumisigaw, at pinangingisay siya nito at pinabubula ang bibig niya, at ayaw pa rin nitong umalis kahit nasugatan na siya nito.+ 40 Nakiusap ako sa mga alagad mo na palayasin ito, pero hindi nila magawa.” 41 Sinabi ni Jesus: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan,*+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan at pagtitiisan? Dalhin mo rito ang anak mo.”+ 42 Palapit pa lang ang bata, isinubsob na siya ng demonyo sa lupa at pinangisay nang matindi. Pero sinaway ni Jesus ang masamang* espiritu at pinagaling ang batang lalaki at dinala sa kaniyang ama.
-