-
Marcos 1:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Nang pagkakataong iyon, may isang tao sa sinagoga nila na sinasapian ng isang masamang espiritu, at sumigaw ito: 24 “Bakit nandito ka, Jesus na Nazareno?+ Nandito ka ba para puksain kami? Alam ko kung sino ka talaga, ikaw ang isinugo ng Diyos!”*+ 25 Pero sinaway ito ni Jesus: “Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya!”
-
-
Lucas 4:34, 35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
34 “Bakit nandito ka, Jesus na Nazareno?+ Nandito ka ba para puksain kami? Alam ko kung sino ka talaga, ikaw ang isinugo ng Diyos.”*+ 35 Pero sinaway ito ni Jesus: “Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya.” Pagkatapos, itinumba ng demonyo ang lalaki at lumabas ito sa kaniya nang hindi siya sinasaktan.
-