45 Matapos marinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga ilustrasyon niya, nahalata nila na tungkol sa kanila ang sinasabi niya.+46 Gusto nilang dakpin siya, pero natatakot sila sa mga tao dahil propeta ang turing ng mga tao kay Jesus.+
18 Narinig ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at nagsimula silang maghanap ng paraan kung paano siya papatayin+ dahil natatakot sila sa kaniya. Namamangha kasi ang mga tao sa turo niya.+
19 Nahalata ng mga eskriba at mga punong saserdote na sila ang nasa isip ni Jesus nang sabihin niya ang ilustrasyong ito, kaya gusto nila siyang dakpin nang mismong oras na iyon; pero natatakot sila sa mga tao.+