-
Levitico 14:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 “Ito ang kautusan tungkol sa ketongin sa araw na ipahahayag siyang malinis, kapag dinala siya sa saserdote.+ 3 Ang saserdote ay pupunta sa labas ng kampo para suriin siya. Kung gumaling na ang ketongin, 4 uutusan siya ng saserdote na magdala ng dalawang buháy at malilinis na ibon, kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo para sa paglilinis sa kaniya.+
-
-
Levitico 14:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 “Sa ikawalong araw, kukuha siya ng dalawang malulusog na batang lalaking tupa, isang malusog na babaeng kordero*+ na hindi lalampas ng isang taóng gulang, tatlong-ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil,+ at isang takal na log* ng langis;+ 11 at ang taong iyon na naglilinis ng sarili niya at ang mga handog niya ay dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at ihaharap kay Jehova ng saserdoteng naghayag na malinis na siya.
-