Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 38:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Pero si Er, na panganay ni Juda, ay gumawa ng masama sa paningin ni Jehova; kaya pinatay siya ni Jehova. 8 Sinabi ni Juda kay Onan: “Pakasalan mo ang asawa ng kapatid mo bilang pagtupad sa pananagutan mo bilang bayaw* at sipingan mo siya para magkaroon ng anak ang namatay mong kapatid.”+

  • Deuteronomio 25:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 “Kung magkakasamang naninirahan ang magkakapatid na lalaki at ang isa sa kanila ay mamatay na walang anak, ang asawa ng namatay ay hindi dapat mag-asawa ng hindi kapamilya ng asawa niya. Dapat siyang kunin ng bayaw niya bilang asawa at tuparin ang pananagutan nito bilang bayaw.*+ 6 Ang panganay na isisilang niya ang magdadala sa pangalan ng namatay,+ para ang pangalan nito ay hindi mabura sa Israel.+

  • Ruth 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Pero sinabi ni Noemi: “Umuwi na kayo, mga anak ko. Bakit kayo sasama sa akin? Magkakaroon pa ba ako ng mga anak na puwede ninyong mapangasawa?+

  • Ruth 1:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 maghihintay ba kayo hanggang sa lumaki sila? Mananatili ba kayong walang asawa para sa kanila? Huwag, mga anak ko. Ang kamay ni Jehova ay naging laban sa akin, at napakasakit* sa akin kapag naiisip kong naaapektuhan kayo.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share