-
Lucas 20:45-47Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
45 Pagkatapos, habang nakikinig ang lahat ng tao, sinabi niya sa mga alagad niya: 46 “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong magpalakad-lakad na nakasuot ng mahahabang damit. Gusto nilang binabati sila ng mga tao sa mga pamilihan, at gusto rin nilang umupo sa pinakamagagandang puwesto sa mga sinagoga at sa mga upuan para sa importanteng mga bisita sa mga handaan.*+ 47 Kinakamkam nila ang mga pag-aari* ng mga biyuda at nananalangin nang mahaba para pahangain ang iba. Tatanggap sila ng mas mabigat na hatol.”
-