-
Mateo 12:1-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Isang araw ng Sabbath, dumaan si Jesus sa gitna ng bukid. Nagutom ang mga alagad niya at namitas ng mga uhay ng butil at kumain.+ 2 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniya: “Ipinagbabawal kapag Sabbath+ ang ginagawa ng mga alagad mo.” 3 Sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Hindi ba pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ang mga tinapay na panghandog,+ na hindi niya puwedeng kainin o ng mga kasama niya, dahil para lang iyon sa mga saserdote?+ 5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan na kapag Sabbath, ang mga saserdote sa templo ay nagpapatuloy sa gawain nila pero hindi sila nagkakasala?+ 6 Sinasabi ko sa inyo, mas dakila kaysa sa templo ang narito.+ 7 Kung naintindihan ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa+ at hindi hain,’+ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang-sala. 8 Dahil ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+
-
-
Lucas 6:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Isang araw ng Sabbath, habang dumadaan siya sa gitna ng bukid, ang mga alagad niya ay pumipitas ng mga uhay ng butil+ at ikinikiskis ang mga ito sa mga kamay nila para kainin.+ 2 Kaya sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit ninyo ginagawa ang ipinagbabawal kapag Sabbath?”+ 3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog, kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+ 5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+
-