-
Juan 4:46-48Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
46 Pagkatapos, bumalik siya sa Cana ng Galilea, kung saan niya ginawang alak ang tubig.+ At may isang opisyal ng hari sa Capernaum, at ang anak na lalaki nito ay may sakit. 47 Nang mabalitaan ng lalaking ito na dumating si Jesus sa Galilea galing sa Judea, pinuntahan niya si Jesus at pinakiusapang sumama sa kaniya para pagalingin ang anak niya dahil malapit na itong mamatay. 48 Pero sinabi ni Jesus sa kaniya: “Hangga’t hindi kayo nakakakita ng mga tanda at di-pangkaraniwang mga bagay, hindi kayo kailanman maniniwala.”+
-