-
Juan 16:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Alam ni Jesus na gusto nila siyang tanungin, kaya sinabi niya: “Tinatanong ba ninyo ang isa’t isa dahil sinabi ko: ‘Kaunting panahon na lang at hindi na ninyo ako makikita, pero pagkalipas ng kaunting panahon ay makikita ninyo ako’? 20 Tinitiyak ko sa inyo, iiyak kayo at hahagulgol,+ pero magsasaya ang mundo; mamimighati kayo, pero mapapalitan ng kagalakan ang inyong pamimighati.+
-