-
Mateo 9:3-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Nagbulong-bulungan ang ilan sa mga eskriba: “Namumusong* ang taong ito.”+ 4 Alam ni Jesus kung ano ang iniisip nila, kaya sinabi niya: “Bakit napakasama ng iniisip ninyo?+ 5 Alin ba ang mas madali, ang sabihing ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at lumakad’?+ 6 Pero para malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—” pagkatapos, sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, buhatin mo ang higaan mo, at umuwi ka.”+ 7 At bumangon siya at umuwi.
-