-
Mateo 13:18-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 “Pakinggan ninyo ngayon ang ilustrasyon tungkol sa taong naghasik.+ 19 Kapag naririnig ng isa ang mensahe ng Kaharian pero hindi ito naiintindihan, dumarating ang masama*+ at inaagaw ang naihasik na sa puso niya; ito ang naihasik sa tabi ng daan.+ 20 Kung tungkol sa isa na naihasik sa batuhan, ito ang nakikinig sa mensahe at agad na tinatanggap iyon nang masaya.+ 21 Pero hindi ito nag-uugat sa puso niya at nananatili lang nang sandaling panahon. Pagdating ng mga problema o pag-uusig dahil sa mensahe, agad siyang nawawalan ng pananampalataya. 22 Kung tungkol sa isa na naihasik sa may matitinik na halaman, ito ang nakikinig sa mensahe, pero ang mga kabalisahan sa sistemang ito+ at ang mapandayang kapangyarihan ng* kayamanan ay sumasakal sa mensahe, at ito* ay nagiging di-mabunga.+ 23 Kung tungkol sa isa na naihasik sa matabang lupa, ito ang nakikinig sa mensahe at naiintindihan iyon, at talagang nagbubunga ito. May namumunga nang 100 ulit, 60 ulit, at 30 ulit na mas marami kaysa sa itinanim.”+
-
-
Marcos 4:14-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “Ang magsasaka ay naghasik ng salita ng Diyos.+ 15 Ang ilang tao ay gaya ng mga binhi na nahulog sa tabi ng daan. Nang marinig nila ang salita ng Diyos, dumating si Satanas+ at kinuha ang salita na naihasik sa kanila.+ 16 Ang ibang tao naman ay gaya ng mga naihasik sa batuhan. Nang marinig nila ang salita ng Diyos, masaya nila itong tinanggap.+ 17 Pero hindi ito nag-ugat sa puso nila at nanatili lang ito nang sandaling panahon; nang dumating ang mga problema o pag-uusig dahil sa salita ng Diyos, nawalan sila ng pananampalataya.* 18 May iba pa na naihasik sa may matitinik na halaman; ito ang mga nakarinig sa salita ng Diyos,+ 19 pero ang mga kabalisahan+ sa sistemang ito at ang mapandayang kapangyarihan ng* kayamanan+ at ang mga pagnanasa+ sa iba pang bagay ay nakapasok sa puso nila at sumakal sa salita ng Diyos, at ito ay naging di-mabunga. 20 At ang mga naihasik sa matabang lupa ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos at masayang tumanggap nito at namunga nang 30 ulit, 60 ulit, at 100 ulit na mas marami kaysa sa itinanim.”+
-