Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 22:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan,+ at dapat na mapabanal ako sa gitna ng mga Israelita.+ Akong si Jehova ang nagpapabanal sa inyo,+

  • Deuteronomio 32:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 “Makinig ka, O langit, at magsasalita ako;

      Makinig din ang lupa sa mga sasabihin ko.

  • Deuteronomio 32:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  3 Dahil ipahahayag ko ang pangalan ni Jehova.+

      Ipaalám ninyo ang kadakilaan ng ating Diyos!+

  • Awit 145:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Pupurihin ng aking bibig si Jehova;+

      Purihin nawa ng lahat ng nabubuhay* ang banal na pangalan niya magpakailanman.+

  • Isaias 5:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Madadakila si Jehova ng mga hukbo dahil sa kaniyang paghatol;*

      Pababanalin ng tunay na Diyos, ng Banal na Diyos,+ ang sarili niya sa pamamagitan ng katuwiran.+

  • Isaias 8:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Si Jehova ng mga hukbo—siya ang dapat ninyong ituring na banal,+

      Siya ang dapat ninyong katakutan,

      At siya ang dapat magpanginig sa inyo.”+

  • Isaias 29:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Dahil kapag nakita niya ang mga anak niya,

      Ang gawa ng mga kamay ko, na nasa gitna niya,+

      Pababanalin nila ang pangalan ko;

      Oo, pababanalin nila ang Banal ng Jacob,

      At magpapakita sila ng matinding paggalang sa Diyos ng Israel.+

  • Ezekiel 36:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 ‘Pababanalin ko ang aking dakilang pangalan,+ na nalapastangan sa gitna ng mga bansa dahil sa inyo; at malalaman ng mga bansa na ako si Jehova,’+ ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova, ‘kapag napabanal ako dahil sa inyo sa harap nila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share