Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 2:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 44 “Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian+ na hindi mawawasak kailanman.+ At ang kahariang ito ay hindi ibibigay sa ibang bayan.+ Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng kahariang iyon,+ at ito lang ang mananatili magpakailanman,+

  • Daniel 7:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya. 14 At binigyan siya ng awtoridad na mamahala,+ ng karangalan,+ at ng isang kaharian, para paglingkuran siya ng lahat ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika.+ Ang pamamahala niya ay walang hanggan—hindi ito magwawakas, at hindi mawawasak ang kaharian niya.+

  • Mateo 6:9-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 “Manalangin kayo sa ganitong paraan:+

      “‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan+ mo.+ 10 Dumating nawa ang Kaharian+ mo. Mangyari nawa ang kalooban+ mo, kung paano sa langit, gayon din sa lupa.+ 11 Bigyan mo kami ng pagkain para sa araw na ito;+ 12 at patawarin mo kami sa mga kasalanan namin, kung paanong pinatatawad namin ang mga nagkakasala sa amin.+ 13 At huwag mo kaming hayaang mahulog sa tukso,+ kundi iligtas mo kami mula sa isa na masama.’*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share