-
Mateo 23:34-36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
34 Dahil sa kasamaan ninyo, kapag nagsugo ako sa inyo ng mga propeta+ at marurunong na tao at mga pangmadlang tagapagturo,+ papatayin+ ninyo at ibabayubay sa tulos ang ilan sa kanila, at ang iba ay hahagupitin+ ninyo sa inyong mga sinagoga at pag-uusigin+ sa bawat lunsod. 35 Kaya mananagot kayo sa lahat ng dumanak na dugo ng matuwid na mga tao, mula sa dugo ng matuwid na si Abel+ hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Barakias, na pinatay ninyo sa pagitan ng templo at ng altar.+ 36 Sinasabi ko sa inyo, mangyayari ang lahat ng ito sa henerasyong ito.
-