Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 9:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Pagkatapos, habang kumakain siya* sa bahay, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at kumaing* kasama ni Jesus at ng mga alagad niya.+ 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa mga alagad niya: “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+

  • Marcos 2:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Pagkatapos, kumain siya sa bahay nito. Maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang kumaing kasama ni Jesus at ng mga alagad niya. Marami sa kanila ang sumunod sa kaniya.+ 16 Pero nang makita ng mga eskriba ng mga Pariseo na kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at mga maniningil ng buwis, sinabi nila sa mga alagad niya: “Kumakain siyang kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”

  • Lucas 5:29, 30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 29 Pagkatapos, naghanda si Levi ng isang malaking salusalo sa bahay niya para kay Jesus, at maraming maniningil ng buwis at iba pa ang kumakaing kasama nila.+ 30 Dahil dito, nagbulong-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba nila at sinabi sa mga alagad niya: “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+

  • Lucas 19:2-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Naroon ang lalaking si Zaqueo; isa siyang pinuno ng mga maniningil ng buwis, at mayaman siya. 3 Sinikap niyang makita kung sino ang Jesus na ito, pero sa dami ng tao, hindi niya iyon magawa dahil maliit siya. 4 Kaya tumakbo siya para unahan ang mga tao at umakyat sa puno ng sikomoro* para makita niya si Jesus, na malapit nang dumaan doon. 5 Pagdating doon ni Jesus, tumingala siya at sinabi niya: “Zaqueo, bumaba ka agad, dahil kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.” 6 Kaya nagmadali siyang bumaba, at malugod niyang tinanggap si Jesus sa bahay niya.

  • 1 Timoteo 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Ang pananalitang ito ay mapananaligan at talagang dapat paniwalaan: Si Kristo Jesus ay dumating sa mundo para iligtas ang mga makasalanan.+ At ako ang pinakamakasalanan sa mga ito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share